Thursday, July 16, 2009

UNIFIED//Superheroes

Nakaupo’t nakaharap sa isang makina– katulong ang aking mga mata, kamay, nag-iisang utak, at pati na rin ang aking sintido kumon;

Nagsimulang makilala ko ang mga taong tumulong/tumutulong sa aking isipirtwal na buhay noong Episode 2. Hindi ko inaakalang Episode 3 ay kabilang na ako. Madaming miyembro noon; aaminin ko, natutuwa akong sumama sa gawain ng grupong ito dahil na rin mismo sa masaya at makulit nilalang.

Ngunit dumating ang oras na nakilala ko ang bawat isa’t nahamon ako sa mga taglay nilang pananampalataya at sabmisyon sa Hari–at mismong araw noon, naliwanagan ako na hindi lang puro saya’t tawa meron ang grupo, meron ding pinanghahawakang misyon.

“UNIFIED is all about seeing a generation collide and meet up with God in a way that changes us from the inside out; so that together we can influence our community and eventually impact the world.”


Maraming events, gathering, revivals, etc. kaming napuntahan. Inimbitahan, kusang loob at minsan pa nga’y biglaan ang dahilan kung bakit naroon kami sa sinabing event. Ayun.. masaya; nakakadagdag ng ‘hamon’ para sa akin. Babaha pa lalo ng pagpapala, at lahat ng pabor ay ibabagsak muli sa team.

Naitanong ko sa sarili ko, bakit lahat ng pabor ng Panginoon ay nasa amin. Nakakatawang isiping, bigla nalang akong may mga natanggap na mensahe galing sa aking mga ka-miyembro; at ito’y mga sagot sa aking tanong. Iba’t-ibang letra’t salita ang ginamit ngunit iisa ang ibig sabihin: “Mahal kasi tayo ng Panginoon”, “Napapangiti kasi natin Siya”, “Tapat tayo Sakanya”, “Sumasamba tayo ng buong puso at totoo Sakanya”.

Episode 3, Episode 4, Episode 5 at Unified Jam ‘08; ang daming miyembro, ang daming nagtutulong-tulong, ang daming kumikilos–nakakatuwa; nakakatuwang pagmasdang nagtutulong-tulong ang lahat at nagkakaisa.

5 taon nang idinadaos ng Team ang mga mg ganitong event. Masaya, tagumpay at maraming dumadalo–at ang pinaka-importante, maraming nagbabago sa komunidad.

Eto na, malapit na, paparating na ang malaking event sa taong ito–Unified Jam ‘09 at Episode 6. Madaming miyembro; kaunting kumikilos. Maraming nag-commit; may hindi nakikipag-meet. Pero hindi ito hadlang sa nais ipagawa ng Panginoon ng Unified. Kung saan may nagpapagal, doon Siya kumikilos.

May kulang sa gamit, may nauubusan ng ideya–pero sa kabutihan ng Hari, may mga kumikilos parin. Pero ganoon pa man, naniniwala ang bawat isa sa malaking gagawin ng Panginoon. Walang makapipigil sa anumang gawain Niya. Nawa sa haharapin ng buong Team ngayon, pangalan ng Panginoon ang maitaas; magkaroon ng iisang pananaw ang bawat dadalo at paglabas ng mga taong may pusong puspos, dala-dala nila ang “event” at magkaroon ng pagbabago sa bawat sambahan; EXCELLENCE.

Isang henerasyong magtataas pa lalo at sama-samang magpupuri sa Panginoon. WOW! Isang magandang rebelasyon para sa akin.

Mahalin ang Panginoon; mahalin ang kapwa. Kami’y nandito’t nagkakaisa, dahil kami’y iisa.

Marami na siguro akong nasabi. Pagod na ang “makina”-ng nasa akin. Gawin ang lahat ng makakaya, para tayo’y magkasama-sama.

No comments:

Post a Comment